I got this from
Meeya's page. It's generally written in Filipino (warning to my non-Pinoy readers e.g. Luke !)
Have a Nice Weekend Everyone!.:. ANO’NG STUDENT NUMBER MO?
95-29614
.:. NAKAPASA KA BA OR WAITLISTED?
Pasado!
.:. PAANO MO NALAMAN ANG ENTRANCE EXAM RESULT?
Tinawagan ng upper batch mate nung high school na nag- aaral na sa UP Manila. Tapos nakakuha ako ng letter from the university( Si Sergio Cao pa ang Registrar noon!).
.:. FIRST CHOICE MO BA ANG UP?
Of course! at ng tatay at nanay ko ;)
.:. ALAM MO BA ANG UPG SCORE MO?
Siyempre! pero secret..walang clue.
.:. ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE?
Actually wala akong direction that time so pinili ko BAA ( sabi kasi ng mga pinsan ko ok daw 'to).
.:. SECOND CHOICE?
HRA. Sabi naman ng tatay ko ok din daw ito. Kasi may Business side din parang BA or BAA.
.:. ANO NAGING COURSE MO?
ano pa eh di HRA. feeeling glamorous ako sa course ko! (lol)
.:. NAGPLANO KA BANG MAG-SHIFT?
ng school.. at one point. kasi na frustrate ako sa tagal ng enlistment ng Chem 16. One Week tapos ang gulo gulo. Pila dito.. pila doon kahit alas singko ng umaga may pila na. Tapos minsan last digit or first digit of your student number or EPN ang siste ng enlistment minsan naman bunutan ng ID! naloka ako! sabi ko sa mga magulang ko buti pa sa DLSU or ADMU computerized! So napaisip ako na lumipat.
.:. NAKAPAG-DORM KA NA BA?
Kind of. Pero hindi sa loob ng campus. Sa Xavierville nung freshie pa ako kasama mga atenista kong friendly friends.
.:. NAKA UNO KA NA BA?
OO naman! P.E. ---> Camping!
.:. NAGKA-3?
hay! oo .. Chem 16.
.:. HIGHEST GRADE:
Uno!
.:. LOWEST:
4 needed to do the removal exam for Math 100 ---> Math is my Waterloo...
.:. WORST EXPERIENCE SA UP:
Walang katapusan na Pila---> UP = University of Pila!
Umulan ng malakas isang beses. Wala kaming kotse. Kailangan naming maglakad or sumakay ng jeep papuntang Math Building from AS kaso wala ding jeep so lakad kami kaso bumaha! Ayun...naglakad kami sa ulan. Basa sapatos pumasok for Math 17.
.:. LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE?
Hmmmnnn... depende sa klase. Madali akong ma BI (Bad Influence) tumambay, kumain, or manood ng sine :)
.:. ANO’NG ORG MO?
UP JMA ---> da best!
.:. MAY SCHOLARSHIP KA BA?
Wala. Di ako kasama sa bracket ng STFAP ....
.:. PINANGARAP MO BANG MAG-CUM LAUDE?
Bago ako pumasok ng UP, Idealistic pa ako pero nung pumasok na ako .. hindi na!
.:. KELAN KA NAGTAPOS?
1999
.:. FAVE PROF (s):
Dizer ( P.E. ---> ka drinking session din namin!), Villanueva ( HRA subject), Guggenheim
.:. WORST TEACHER (s):
that maniac Philo 1 teacher! laging girls lang ang tinatawag for recitation! Palileo--> Chem teacher na walang ginawa kundi manindak ng mga estudyante!
.:. FAVE SUBJECT (s):
HRA's Beverage Class ( all we did was study different kinds of beverages and taste test them! lasing pagkatapos ng class but we learned a lot!)
.:. WORST SUBJECT (s):
Math 17
.:. FAVE LANDMARK:
AS 101 near the pond, AS Steps...
.:. BUILDING:
H.E. , A.S., and BA
.:. PABORITONG KAINAN:
pag may pera Chocolate Kiss! pag normal days Tea Room sa H.E. --> Grilled Cheese Sandwich at Iced tea for 20 pesos!.
.:. NOONG ESTUDYANTE KA PA MAGKANO BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP?
P 1.25
.:. LAGI KA BA SA LIB?
Yes... sarap matulog lalo na sa Econ Lib! Pero nag research din ako for thesis sa H.E. lib---> nagbasa ng mga fashion magazina at lumang issue ng Woman Today at Liwayway pero on the side nagbasa din naman ako ng Hotel journals !
.:. NAGPUNTA KA BA SA CLINIC NUNG MINSANG NAGKASAKIT KA?
Never! Pumunta ako sa infirmary once para tingnan kung anong oras and derma ( kaartehan ko!)/
.:. MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS?
oo naman.. guapo ni mike templo..
.:. BF/GF?
Yes pero not from school. Nasa high school pa bf ko non.
.:. MAY BALAK KA BA MAG-MASTERS O MAG-PHD?
dati oo. pero ang layo ko na sa UP .. wish ko pa din mag MBA.
.:. ANU-ANO ANG MGA NAGING PE MO?
Bowling, Camping, Running for fitness , Weight Training
.:. KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK NYO?
nye! napunta ako sa Computer Science na block for some weird reason. Di ko na sila nakikita!
.:. NAKAPANOOD KA NA BA NG GRADUATION SA UP?
Nope. Never.
.:. MEMORIZE MO BA ANG ALMA MATER SONG?
hanggang UP Naming Mahal lang alam ko kahit every 8pm may flag ceremony....
.:. MEMBER KA BA NG UP VARSITY TEAM?
Nope.
.:. NAKA-PERFECT KA NA BA NG EXAM?
OO naman!
.:. ANO’NG AYAW MO SA FINALS WEEK?
Kapag hindi ako exempted for the Finals...
.:. DITO KA BA NATUTONG UMINOM NG BEER?
sama mo na ang Aperitif, Wines, Spirits, pati Basi!
.:. ANO’NG GUSTO MO SA UP?
ang mga acacia trees, ang walang pakialamanan ng trip, ang Oblation Run, ang Lantern Parade, ang mga Promil kids ko na kaklase na nakapambahay or pantulog minsan kung pumasok sa klase.
.:. ANO’NG AYAW MO?
ngayon, ang mga nagbebenta ng Dried Mangoes na kakatok pa sa klase to interrupt para lang magbenta.
.:. MAGANDA BA ID PIC MO?
Red and suot ko na T-shirt sa picture. Nakalimutan ko red nga pala ang background color kaya mukha akong floating face!
.:. MAY GINAWA KA NA BANG ILLEGAL SA LOOB NG CAMPUS?
Wala naman akong matandaan...
Kung ikaw ay naging Iskolar ng Bayan, malaya kang sagutin ang mga katanungang ito :)
-
MrsPartyGirl said...
funny nung floating face :D i'm glad to see that you have fond memories of our school. ka-miss minsan tumambay lang ano? hehe. thanks for dropping by my site! i'll link you up ha?
9/17/2005 03:08:00 AM
-
said...
Parang Slumbook na naging 'Search for a Star'ang tema ng mga tanong.
At na alala mo lahat na sagot!
"MAY GINAWA KA NA BANG ILLEGAL SA LOOB NG CAMPUS? Wala naman akong matandaan..."
Isipin mong maayos baka meron, share mo naman. HAHAHAHA.
Buti pa kayo sa UP. Ako sa bicol lang.
9/17/2005 07:22:00 AM
-
duke said...
mrspartygirl- thanks for putting this up on your site. I really have fond memories of our school. Nakakmiss sobra!
sure.. I'll do the same :)
knoizki- hahahaha oo nga!paranga Search for a Star ang tema (lol!)
Shhhh.. wala pa talaga kong matandaan(or ayaw ko lang matandaan!hahahaha)
Diyos ko! ke sa UP or sa bicol basta masaya at maganda memories mo ok sa alright! ;)
kamusta internet connection mo? no more bosing lurking around? or you at home and fixed it good?
9/17/2005 11:02:00 AM
-
said...
arrrgh ! i miss UP too! huhuhu. trip back to memory lane...
-kala
9/17/2005 11:48:00 AM
-
said...
Hehehe yung sa last few questions parang galit yung tunog ng tanong.
If only I'd studied in Manila, sana di ako out of place sa batch namin, pero ngayon sila na ata ang out of place sa akin kse mas mukhang tumanda sila ng 5 yrs older.
Siguro dahil nde ako na iinitan? sabi ko maputla lang ako kasi daw "kutis mayaman".
Laban ka?
Here's my personal Q:
1. ILAN ANG NAGING BF MO SA UP?
2. FAVORITE FOOD MO PAG BREAKTIME?
3. NILALABHAN MO BA DAMIT MO SA KAMAY O WASHING MACHINE SA DORM NYO?
4. NAG VANDAL KA BA SA UP CAMPUS?
9/17/2005 01:19:00 PM
-
duke said...
kala! waaahhhh! I miss school sa bad! ;)
9/17/2005 02:31:00 PM
-
duke said...
knozki- aba naman! laban ako siyempre...
2 boyfriends and boylets here and there...
favorite ko HELLO!( yung chocolate bar.. puede na vanilla pero mas type ko chocloate flavor) yan ang lunch ko lagi!
shempre washing machine! mas mabilis!
hmmmnnn... hindi ko din matandaan? pero type na type ko magbasa ng vandals lalo na sa cubicles.. nakakaaliw!
puede na ba yan?
9/17/2005 02:35:00 PM
-
Unknown said...
hi duke,
i enjoyed this very much. i still have nightmares of being unprepared for class and having no blue books heehee...
nice memories!
9/18/2005 06:16:00 PM
-
Abaniko said...
hmm. 95 ang student number ha? yoko yatang ibigay yung sa akin at magkakabistuhan na ng edad. haha.
9/18/2005 08:01:00 PM
-
duke said...
drstel - ahhh those blue books! such a nightmare esp if the exam is for Math or Chem!
abaniko- naku! nag isip nga ako kung ilalagay ko student no ko kasi mabibisto age ko pero oks lang... hehehehe
nao - pwamis! i will annwer the tag! yoko maging frog!
9/18/2005 11:57:00 PM
-
said...
kaaliw naman tong post na to. 95 pala ang student number mo sis. isip ko tuloy mabubuking nga ako ng husto sa student number ko - hanggang ngayon eh memorise ko pa rin. honga UP naming mahal.
9/19/2005 05:02:00 AM
-
said...
Duke, naging classmate ko din si Mike Templo! Guaping nga yon... so kung naabutan mo sya, malamang di nag-graduate yon on time kasi 93 ang student number ko! :) Naging teacher ko din si Dizer-- camping. Kaya nga ako nag UP.ORG...
9/19/2005 07:50:00 AM
-
duke said...
isay- asus! ok lang yan! alam mo ba nag summer ako last April sa DIl for French and German. Trip lang.. ang mga student nila shempre 2001 na ang pinakamatanda! imagine ang beauty ko don... hehehehehe
alma- talaga? oo nga delayed siya nag grad pero ngayon sa boston na siya naka base :)(hangganag ngayon updated pa din!)
9/19/2005 12:16:00 PM
-
Dr. Emer said...
Wow! Peyups ka din pala at batch 95 at kilala mo pa si Prof Cao. Chancellor na sya ngayon. Pero nagtuturo pa din yata sya ng Finance sa CBA.
Ka-batch mo ba si Aids Alfiler?
Saan ba ang HRA, sa CHE ba ito? Peborit ko din kumain sa Tea Room. Galing nitong nostalgic UP trip mo. :)
9/22/2005 02:26:00 AM
-
duke said...
Doc Emer- hello! hindi ko talaga kilala personally si Prof. Cao pero natatandaan ko siya kasi pangalan nya ang nakapirma sa ID ko.. hehehehe
Hindi ko ata ka batch si Aids Alfiler.. HRA din siya?
HRA is in the HE building. Kami yung gumagawa ng food promo sa Tearoom evry now and then.. ( themed lunch) :)
9/22/2005 01:31:00 PM
-
Dr. Emer said...
i was in up from 2000-2002. 'took a post-grad course in CBA. undergrad ko is up manila. madalas kaming mag-lunch ng grpmates ko sa tea-room. oh yes, im aware of the themed lunch meals. sarap!
aids was a classmate in BA na ang undergrad is hra...yata...now im not so sure anymore.
9/22/2005 10:22:00 PM
-
duke said...
doc emer- sayang! graduate na ako by teh time you were there!
9/23/2005 12:25:00 PM
-
Jeruen said...
Naging prof ko rin si Dizer! Duck Pin Bowling naman! And during my time, 3:50 na ang ikot.
I graduated last April, ngayon kahit nasa University at Buffalo, taking PhD Linguistics na, nakataas pa rin ang bandera ng UP.
LIW
2001-79283
10/18/2005 07:08:00 AM
-
said...
c mike templo, i married him too!
6/14/2007 03:22:00 AM
-
said...
Hey anonymous???
sino ka? why do you hate mike templo?
Totoo ba yan?
What's your proof?
6/24/2007 11:16:00 AM
-
said...
sana Angel Locsin has time to read this blog
7/29/2007 07:35:00 AM
-
said...
hi po.. I am an HRIM student of UP. (formerly HRA).. saya naman makakita ng blog ng isang graduate ng HRA.. hehehe.. naging member po ba kayo ng UP SHARP?? :)
Mukhang happy naman po kau..
God bless po...
8/10/2008 01:34:00 PM
-
said...
bakit kayo galit kay mike templo? kamag-anak ko sha! hahaha
5/22/2009 02:34:00 PM
-
said...
at may show na siya ngayon sa anc!
5/22/2009 02:35:00 PM